itsmisscurrenttrends:

To forgive. Hindi madali magpatawad lalo na kung sariwa pa yung isang pangyayari. Kumbaga sa isang sugat pag sariwa pa ito o bago lang hindi agad ito gagaling. Depende rin ito sa laki o liit ng sugat. Kung mas malaki, mas matagal. Ganun din sa pagpapatawad. Kung mas mabigat at masakit ang kasalanan na nagawa mo, mas lalong mahirap ibigay ang kapatawaran na iyon.

To forget. Hindi ganun kadali kalimutan ang isang bagay. Lalo na kung napamahal ka na sa bagay na ito at nakasama mo ito sa bawat saya, lungkot at problema na pinagdaanan mo. Sabi ng karamihan, hindi naman yung bagay o tao na yun ang mahirap kalimutan… Yun ay ang alaala na binuo niyo ng magkasama.

To move on. Sino bang hindi nahirapan sa pagmomove on? Halos lahat naman eh diba? Isa nga daw ito sa pinakamahirap gawin… ang magmove on sa taong minahal mo ng sobra. Pag nagmomove on ka, kailangan mo ng oras. Oras para kalimutan ang sakit na naranasan mo. Oras para makalimutan ang taong mahal mo na hindi mo akalaing sasaktan ka.

To love again. Pag nasaktan ka, hindi na ganun kadali magmahal ulit. May pagkakataon kasi na sa sobrang sakit na naramdaman mo from your past relationship, natatakot ka na magmahal dahil baka masaktan ka na naman. Andiyan din naman yung pagkakataon na hindi mo pa nakakalimutan ang nakaraan kaya mas pinili mo nalang na magpalipas muna ng oras bago ka pumasok ulit sa isang relasyon.

Karamihan ng bagay dito sa mundo natin, nangangailangan na paglaanan ng oras. Hindi lahat pwedeng gawin agad-agad. May mga bagay na kailangan pag-isipan muna bago gawin para hindi ka na masaktan ulit at wala ka ng iba pang masaktan,

itsmisscurrenttrends:

  • The Alien Style. Ang mga babae pag nakakakita ng gwapo o pag nakita yung crush nila, asahan mo na yung kakaibang language na sasabihin niyan. Yung tipong biglang sasabihin, "Emerged! Shi crush endyen!" Tapos minsan akala mo naipit kung saan kung makasigaw ng "Oh my God! May pogi!" Ganyan yan.
  • The Karate Kid. Karamihan sa mga ababe yan ang ginagawa. Yung tipong pag kinilig bigla biglang nanghahampas o ano. Yung daig pa ang nangangarate kung makahampas sa kasama. Kaya guys, pag nakita niyong yung crush ng kasama mo parating na, pwede kang maging si Flash. Bilisan mo dapat ang paglayo sa kasama mo. Wag magbagal kung ayaw mong masaktan.
  • The Missing in Action Style. Eto naman yung mga babaeng biglang nawawala pag andiyan yung crush nila. Dahil sa sobrang kilig at hindi na mapigilan, ayun, nagtatago na at baka mahalata pa sya. Minsan naman pag alam na ng crush mo na may crush ka sakanya, ayun, uso din mahiya kaya tago tago din.
  • The Silent Type. Eto naman yung mga babae na pag nakikita yung crush nila parang wala lang. Di mo makikita sa mukha nila na kinikilig siya. Pero asahan mo, pag nag-iisa na yan, kung kiligin wagas. Tumatalon talon pa.
  • Frog Style. Sila yung mga babaeng pag nakikita ang crush nila eh daig pa ang palaka kung makatalon dahil sa sobrang kilig. Yung tipong akala mo may ipis na dadapo sa kanya kaya kailangan tumalon.
  • Movie Style. Sila naman yung mga babaeng pag nakikita ang crush eh kung anu-ano na ang naiisip. Nag-iimagine na agad na magkakatuluyan sila ng crush niya. Iniisip na agad ang kanilang happy ending. Yung makapag-imagine eh daig pa ang wala ng bukas.

itsmisscurrenttrends:

There’s somebody out there who will. You deserve someone who listens to you. Hears every word and knows what to do. When you’re feeling hopeless, lost and confused; there’s somebody out there who will.

You need a man who holds you for hours. Make your friends jealous when he brings you flowers. And laughs when he says they don’t have like ours. There’s somebody out there who will.

He’ll take you dancing and pull you in close. Spin you around and won’t let you go till they turn the lights off and he’ll take you home. There’s somebody out there who will.

Tossing and turning and dreaming at night about finding him, and praying and hoping you might. Coz’ you deserve someone who knows how to treat you right.

There’s somebody out there who’s looking for you. Someday he’ll find you I swear that it’s true. He’s gonna kiss you and you feel the world stand still. There’s somebody out there who will.

Immature.

I’m sorry.

Paker friends. Namimiss ko na kayo.

Hi. Ewan ko kung bakit nagbablog ulit ako ngayon pero ang alam ko lang kailangan ko lang ng mapaglalagyan nitong kwento ko at sa tingin ko ito yung tamang lugar kung saan ko dapat ilagay yun. So ayun. Hindi ko kasi alam kung ano nangyayari sa akin. Ang weird ko nitong mga nakaraang araw/linggo. Ang bilis ko magtampo, magalit at siguro nga epekto ito ng sobrang daming iniisip. Ngayon nga eh yung taong lagi kong kasama dati ay lagi ko ng kaaway at syempre ayaw ko yun. Siya kasi yung taong pinakaclose ko at ewan ko kung bakit pero nahihirapan ako kausapin siya. Siguro nagsimula yun sa unang away namin tapos nagkahiyaan na kami hanggang sa magkaroon na siya ng bagong friends na friends ko din naman. Naiinis lang ako kasi yung mga dating ginagawa namin hindi na namin nagagawa tapos sila na nung new friends niya yung gumagawa. Nagseselos ba ko? Grabe. Yan talaga yung tanong ko sa sarili ko simula pa noong nakaraang linggo. Pag lumalapit siya sakin parang itinataboy ko siya na parang ayaw ko siya kasama at pag kinakausap niya ako parang hindi ko siya feel kausapin. Ano kayang nangyayari?! Okay sge. Namimiss ko lang talaga yung tao na yun tapos hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para maging close kami ulit at naiinis ako pag nakikita kong may kasama siyang ibang kaibigan at masaya siya.