Natanong mo na ba yan sa sarili mo? Yung iniisip mo kung bakit ganyan ka. Kung bakit ganyan ka magmahal. Kung bakit ganyan ang ugali mo. Yung kahit na pilit ka nang tinataboy ng tao eh patuloy ka paring lumalapit. Yung kahit na siya may kasalanan ikaw yung humihingi ng tawad. Yung kahit na paulit ulit ng sabihin sayo na hindi ka na mahal eh minamahal mo pa rin ang taong yun. Yung kahit na wala ng pakialam sayo yung tao eh hinahabol habol mo parin siya. Yung kahit na kinalimutan ka na eh hinding hindi siya mawala sa isip mo. Yung kahit na wala siyang pakialam sa ginagawa mo todo effort ka parin. Ang hirap noh? Bukod sa napapagod ka na nagmumukha ka pang tanga. Na kahit gusto mo baguhin yung ganyang ugali mo hindi mo magawa. Wala eh. Nakasanayan mo na. At kung sakali namang magbago ka, may magagalit at bandang huli eh iiwan ka pa.